TUNAY na naparalisa ng COVID- 19 pandemic ang pamumuhay ng sambayanan, ngunit sa unti-unting pagbabalik ng kabuhayan sa ‘new normal’ kabilang ang professional sports sa mabilis na nakatugon sa mga panuntunan at kagyat na nakabangon sa hamon ng lockdown. 

At sa masinsin na pagpapatupad ng ‘safety and health’ protocol, nakabawi ang pro sports sa gitna na pandemya at inaasahan na mas masiglang industriya ang haharapin ng Games and Amusements Board (GAB) sa bagong taon.

“With the NCAA, UAAP and other leagues expected to postpone its seasons opening, maraming atleta ang mabibinbin and the only thing to do to continue their sporting career is to turn pro. The professional sports community is growing and it’s a busy year as expected for GAB,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Iginiit ni Mitra na bago matapos ang 2020, nagpahayag na ng intensyon na maging pro ang pingpong (table tennis), Beach Volleyball Republic (BVR), Visayas Basketball League (VBL) at combat sports na Jeugo Todo.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

“GAB is ready for the influx of applications for professional licenses starting next month. We welcome all of them,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

Sa gitna nang paglaban ng pamahalaan sa pandemic, sumampa sa pro status ang National Basketball League, Women’s National Basketball League, Chooks-to- Go 3x3, Professional Chess Association of the Philippines at ang Premier Volleyball League (PVL) na pawang magsisimula nang kanilang season ngayong buwan.

“Sa chess pa lang we expected na more than 200 ang atleta na magpapalisensya, kaya we’re on the process of going fully online. Nakikipag-usap na kami sa Pay Maya at sa GCash para sa partnership,” sambit ni Mitra.

Mula nang italaga ng Pangulong Duterte noong 2016, ang pagdagsa ng mga liga at organisayon para maging pro ang maituturing na malaking hamon sa liderato ni Mitra.

Maayos na napapatakbo ng GAB ang boxing, mixed martial arts, football, golf at ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mahabang panahon.

“The more, the better in terms of government taxes and jobs for the athletes and other personnel.

“Nagpapasalamat kami sa mga stakeholders at talagang nagtitiwala sila sa atin at naiparating natin sa kanila ang buting maidudulot kung sanctioned ang liga mo ng GAB,” aniya.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at Armed Forces of the Philippines (AFP), iginiit ni Mitra na nasa proseso na rin para sa ‘renewal’ ng libreng medical, neurological at dental services para sa mga atleta.

Ayon kay Mitra, regular din ang kanilang program na ‘Kamustahan sa GAB” kung saan tinatalakay at mabilis na tinutugunan ang lahat ng usapin at suliranin na nakaaapekto sa atleta at mga opisyal, kabilang na ang isyu sa mga kontrata.

“The year 2021 will be a very busy year for GAB. Hopefully, we will be fully online next year to make the application for pro licenses a lot easier,’’ sambit ni Mitra.

-Edwin G. Rollon