PINANGUNAHAN ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang patuloy na pagsulong ng kasaysayan sa Philippine chess sa ginanap na Draft Day ng kauna-unahang professional chess league sa bansa -- Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) – nitong Linggo sa Quezon City Sports Club.

Ipinagkaloob ng GAB ang recognition at sanctioned sa PCAP nitong Setyembre 18, habang ibinigay kay Grandmaster Eugene Torre ang kauna-unahang government-issued chess license nitong Nov.18.

Ayon kay PCAP founding president-commissioner Atty. Paul Elauria, inimbitahan din nila si World Fisher Random champion GM Wesley So para magbigay ng mensahe

Kabuuang 24 koponan sang sasabak sa First Conference ng liga sa Jan. 12.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang No.1 pick si Torre, ang kauna-unahang Asian GM at itinuturing chess icon hindi lamang sa bansa bagkus sa buong mundo. Nakuha ng Antipolo City ang Karapatan sa No.1 overall pick in the talent-laden draft.

Bukod kay Torre ang iba pang grandmasters sa draft ay sina GMs Rogelio Antonio, Jr. , Mark Paragua, Rogelio Barcenilla, Jr., Darwin Laylo, John Paul Gomez, Oliver Barbosa at Julio Catalino Sadorra.

Sunod sa Antipolo ang Iloilo City, habang pangatlo ang Quezon City.

Pipili rin ang Iriga, fourth; Negros, fifth; Cordova, sixth; Rizal, seventh; San Juan, eighth; Mindoro, ninth; Lapu Lapu, 10th; Surigao, 11th; Manila, 12th; Camarines, 13th; Olongapo, 14th; Cabuyao, 15th; Toledo, 16th; Cagayan, 17th; Zamboanga, 18th; General Trias, 19th; Isabela, 20th; Cebu, 21st; Caloocan, 22nd; Pasig, 23rd; at Palawan, 24th.