April 13, 2026

Home BALITA

Lalaking na-coma sa ospital, nakapagsalba ng buhay ng 5 katao!

Lalaking na-coma sa ospital, nakapagsalba ng  buhay ng 5 katao!

Isang 41-anyos na ama ang nagbigay ng panibagong pag-asa sa limang pasyente matapos i-donate ng kaniyang pamilya ang kaniyang mga organ nang siya ay ideklarang brain-dead.

Kinilala ang donor na si Park Seong-Bae, na ama ng isang 60-araw na sanggol na babae. 

Noong Enero 19, 2026, nakaranas umano si Park ng matinding pananakit ng ulo at agad na dinala sa ospital. Gayunman, hindi na siya nagkamalay at kalaunan ay idineklara siyang brain-dead.

Nang ipaalam ng mga doktor sa pamilya na maliit na ang posibilidad ng kaniyang paggaling, nagpasya ang mga ito na i-donate ang kaniyang mga organ upang makatulong sa ibang may sakit.

Ayon sa Korean media, umaasa ang pamilya na balang araw, kapag lumaki ang kaniyang anak na si Seolha, maaalala nito ang kaniyang ama bilang isang mabuting tao na gumawa ng marangal na desisyon upang makatulong sa kapwa.

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Ibinigay ni Park ang kaniyang puso, baga, atay at mga bato na nagligtas sa buhay ng limang pasyente.

Sa huling mensahe ng kaniyang asawa na si Lim Hyun-jung, sinabi nito:

“I will raise our (daughter) Seolha well and give her enough love for your share, too. When we meet again someday, just tell me I did well. I miss you so much, and I love you very much,” anang misis ni Park.