April 13, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ang simbolo ng kulay rosas sa darating na ‘Laetare Sunday’ sa Marso 15

ALAMIN: Ang simbolo ng kulay rosas sa darating na ‘Laetare Sunday’ sa Marso 15
Photo courtesy: Vatican News (website)

Nakatakdang gunitain ng Simbahang Katolika ang “Laetare Sunday” sa darating na Linggo, Marso 15, na isang espesyal na selebrasyon sa kasagsagan ng kuwaresma. 

Ayon sa mga pag-aaral, ang “Laetare” ay nagmula sa salitang Latin at kinuha sa chant na "Laetare Jerusalem" na nangangahulugang “Rejoice, Jerusalem.” 

Anila, ang tekstong ito ay nagmula sa aklat ng Isaias 66:10, na nagsasabing, “Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya.” 

Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Linggo ng kuwaresma, at hinihikayat rito ang mga Katoliko na makiisa sa pakikigalak sa kalagitnaan ng penitensiya at paglalaan ng sakripisyo sa panahon ng kuwaresma. 

Paano ito ipinagdiriwang ng Simbahan? 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga kinanselang aktibidad sa Balangay Festival 2026 bunsod ng krisis sa krudo

Ayon sa mga pag-aaral ng Simbahang Katolika, sa selebrasyon ng Laetare Sunday, ang vestment ng mga pari ay kulay rosas o pink, dahil sa sinisimbolo nitong kagalakan at pag-asa sa paparating na Pasko ng Pagkabuhay o Easter. 

Nagsisilbi rin itong paalala na sa kabila ng pagsasakripisyo na dala ng kuwaresma at badyang pagluluksa sa araw ng Biyernes Santo at Sabado de Gloria, may kagalakan ding naghihintay mula sa pangakong muling pagkabuhay ni Hesus. 

Bukod pa rito, dahil sa kulay na ito, ang Laetare Sunday ay tinatawag ring “Rose Sunday.”

Ayon pa sa ilang pag-aaral, makikita rin tuwing Laetare Sunday ang mga makukulay na dekorasyong bulaklak sa paligid ng altar. 

Habang maririnig naman ang saya sa tono ng liturhiya sa linggong ito, na isa ring paalala sa kagalakan ng muling pagkabuhay ni Hesus mula sa pagkamatay sa krus.