“Ready for adoption” na ang ilang magigiting na retiradong police service dogs ng Philippine National Police–Explosive Ordnance Disposal and Canine (EOD/K9) Unit matapos ang ilang taon nilang paninilbihan.
Mababasa sa Facebook post ng Regional EOD and Canine Unit NCR na layon ng adoption drive na ito na mabigyan ng bagong tahanan ang 26 K9s matapos nilang pagsilbihan at protektahan ang mga komunidad sa bansa.
“These brave police K9s spent their lives protecting and serving our communities. Now that they’ve retired from duty, they deserve a loving home where they can relax, feel safe, and enjoy their well-earned retirement,” saad ng kapulisan.
Anila pa, bukod sa pagiging highly-trained, ang mga retiradong service dogs ay mga loyal at protective companion sa pamilya.
Kaya, hinihikayat nila ang fur parents buksan ang kanilang mga tahanan para sa service dogs na ito, na kasalukuyang nasa EOD/K9 headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Para sa mga katanungan hinggil sa K9s at proseso, narito ang mga ibinigay na detalye ng kapulisan:
PSMS Manny V. Molina
PNCOIC – K9 Section
PNP-EOD/K9-RECU-NCR
Contact Numbers:
0946-409-0044
0939-724-0993