April 13, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Nakakarami ba talaga ng tigyawat ang pagkain ng mani?

ALAMIN: Nakakarami ba talaga ng tigyawat ang pagkain ng mani?
Photo courtesy: Unsplash


Masarap bang kumain ng mani?

Marami ang nagsasabi, talaga namang masarap kumain ng mani. Pero tila mas sumasarap ito, dahil sa ilang mga paniniwalang nakapaloob dito.

Sabi kasi ng ilan, nakakatalino raw ang pagkain ng mani. May mga pag-aaral naman na nagbabahagi ng mabubuting epekto sa katawan ng pagkain ng mani.

Pero salungat sa mga ito, may isang paniniwalang namumukud-tangi sa pagkain ng mani: nakakarami daw ito ng tigyawat.

Ngunit totoo nga bang nakakarami ng tigyawat ang pagkain ng mani?

Ayon sa artikulo ng Advance Study, walang espesipikong pag-aaral na nagsasabing nakakapagdulot ng malalang tigyawat ang pagkain ng mani.

“There is no single, definitive study proving that peanuts cause acne in all individuals,” mababasa sa nasabing artikulo.

Ngunit base naman sa artikulo ng double-board certified cosmetic af reconstructive surgeon na si Dr. Cynthia Poulos, may nilalaman daw ang mani na maaaring magpalala sa “acne condition” ng isang tao.

“Peanuts are high in omega-6 fatty acids and contain androgen-like compounds that may worsen acne, particularly for individuals sensitive to hormonal triggers,” ani Poulos.

Gayumpaman, may ilan siyang rekomendasyon kaugnay dito.

“Cashews are generally less associated with acne. They have a lower omega-6 content and provide beneficial nutrients like zinc, though sensitivity can vary,” aniya.

Dagdag pa niya, “Walnuts and almonds: Rich in omega-3s and antioxidants, they may help reduce inflammation and support clearer skin.”

Base naman sa artikulo ng Biology Insights, may nilalaman ang mga mani na maaari talagang makapagdulot ng epekto sa balat ng tao, partikular na ang pagdami ng tigyawat.

“Acne is a common skin condition that develops when hair follicles become blocked, leading to inflammation and the formation of lesions. While peanuts are a nutritious source of protein and healthy fats, evidence suggests specific nutritional components within them can trigger acne flare-ups,” mababasa sa isang pahayag.

Sa kabuuan, may mga partikular na “components” ang mani na maaaring makapagresulta ng “acne breakout,” ngunit hindi awtomatikong ang pagkain ng mani ay magpapalala sa “acne condition” ng isang indibidwal.

Nakasaad ding may mga uri ng mani na hindi naman nagpapalala o nagpaparami ng tigyawat.

Kasama pa rin sa mga salik na dapat pagtuunan ng pansin ay ang hormones ng tao, ang polusyong nasa kapaligiran, ang hygiene, at ang lifestyle ng isang indibidwal.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga dulot sa katawan mo kapag kumakain ka ng mani-Balita