April 13, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dulot sa katawan mo kapag kumakain ka ng mani

ALAMIN: Mga dulot sa katawan mo kapag kumakain ka ng mani
Photo courtesy: Unsplash


Mahilig ka bang kumain ng mani?

Isa sa mga pinakakilalang street food o finger food sa Pilipinas ay ang mani, o “peanuts” sa wikang Ingles.

Maaari itong lantakan ng isang tao sa iba’t ibang porma nito: nilaga, roasted, o peanut butter.

Ngunit kahit ano pa mang luto o gawa ng mani, tiyak patok ‘yan sa panlasa ng mga Pinoy.

Pero nga ba ang dulot sa katawan ng isang tao kapag siya ay kumain ng mani?

Ayon sa isang artikulo mula sa Healthline, maraming dalang nutrisyon ang pagkain ng mani.

“Peanuts provide protein, vitamins, minerals, and antioxidants. They may have other health benefits, including promoting fullness and helping protect against heart disease,” saad ng Healthline.

Anila, may mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkain ng mani ay nakatutulong din upang mabawasan ang timbang ng isang tao.

“Peanuts have been widely studied with regard to weight maintenance. Despite being high in fat and calories, peanuts do not appear to contribute to weight gain. In fact, observational studies have shown that peanut consumption may help maintain a healthy weight and reduce your risk of obesity.” anila.

Sa artikulo naman ng WebMD, mababasa na ang pagkain umano ng mani ay nakapagpapahaba ng buhay. Naglalaman daw kasi ito ng “antioxidant coenzyme Q10,” na kinakailangan ng body cells upang mapanatili ang pagiging “healthy” ng isang tao.

“A large study showed that people who regularly ate any kind of nuts (including peanuts) were 20% less likely to die of any cause than people who did not eat nuts,” mababasa sa artikulo ng WebMD.

Gayumpaman, pinag-iingat pa rin ang lahat sa labis na pagkain o pagkonsumo nito, lalo na ang mga indibidwal na may “peanut allergies,” sapagkat isa ang mani sa pinaka-karaniwang “food allergens.”

Ilan lamang sa mga maaaring epekto ng labis na pagkain ng mani ay ang vomiting, nausea, digestive problems, food poisoning, aflatoxin poisoning, at iba pang gastrointestinal issues.

Human-Interest

Cebuana NASA Engineer, binigyang pagkilala ni Balamban Mayor Cabahug

Base pa sa mga pag-aaral, ito raw ay madalas na itinuturing bilang “most severe allergen,” dahil ito at “potentially life threatening.”

Kung mahilig ka sa mani, may kalayaan kang lumantak nito. Ngunit, siguraduhin lamang na nasa tamang dami lamang ang konsumo nito dahil ang lahat ng sobra ay nakasasama.