April 12, 2026

Home SPORTS

Karl Eldrew Yulo, nasungkit una niyang ginto sa Gymnastics senior level!

Karl Eldrew Yulo, nasungkit una niyang ginto sa Gymnastics senior level!
Photo courtesy: Gymnastics Association of the Philippines/FB, Asian Gymnastics Union/FB


Kinubra ni Philippine bet Karl Eldrew Yulo ang gintong medalya sa ginanap na floor exercise finals ng Antalya leg sa bansang Turkiye noong Sabado, Marso 14.

Ito ay bahagi ng FIG Gymnastics World Cup, kung saan nasungkit ni Yulo ang kauna-unahan niyang senior level gold medal.

Nagwagi si Yulo matapos makapagtala ng iskor na 14.100, bahagyang mas mataas sa 13.833 ni Eamon Montgomery ng Ireland at 13.333 ni Rayderly Zapata ng Spain.

Samantala, kinilala naman ng Gymnastics Association of the Philippines ang karangalang dinala ni Yulo para sa bansa.

“After performing with a stellar score of 14.100, we are proud of you Eldrew!” anila sa kanilang Facebook post noong Sabado, Marso 14.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nagpaabot din ng pagbati ang MVP Sports Foundation, Inc. para sa bagong gold medalist ng gymnastics.

“Congratulations, Eldrew!’ anila sa kanilang Facebook post nitong Linggo, Marso 15.

Ito ay tila “comeback” ni Yulo matapos masungkit ang ikaanim na puwesto sa floor exercise at ikapito naman sa horizontal bar finals ng Gymnastics World Cup Baku Leg, na ginanap kamakailan sa bansang Azerbaijan.