Usap-usapan sa social media na may nakatalo na umano sa fictional character na si "Linda Walker" at Kapuso actress-beauty queen na si Rabiya Mateo pagdating sa score na nakuha sa National Medical Admission Test (NMAT).
Ang NMAT ay isang standardized entrance examination na karaniwang requirement para sa mga nais makapasok sa mga medical school sa Pilipinas.
Ang resulta nito ay sinusukat sa pamamagitan ng GPS na may saklaw na 200 hanggang 800, kalakip ang percentile ranking na naghahambing sa performance ng mga examinee sa buong bansa.
Nirepost ni Mateo ang isang screenshot na nagpapakita ng art card tungkol sa kaniyang NMAT result. Nakasaad sa nasabing art card ang kaniyang score na 741, na itinuturing na napakataas sa naturang pagsusulit.
Nahigitan pa ni Mateo ang trending na 719 score na nakuha ng fictional character na si "Linda Walker."
Ang karakter na ito ay mula sa online drama na "The Heiress Who Won with Brains," na ginampanan ng Chinese actress na si Zhang Yingfei.
Matatandaang kinatawan ni Mateo ang Pilipinas sa Miss Universe 2020, kung saan nakapasok siya sa Top 21.
Bago pa man sumabak sa mundo ng pageantry at showbiz, nagtapos siya ng Bachelor of Science in Physical Therapy sa Iloilo Doctors’ College noong 2018, kung saan nagtapos siya bilang cum laude.
Ayon sa kaniya, opisyal na siyang babalik sa medical school upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Maki-Balita: 741 score sa NMAT: Rabiya Mateo, tinalbugan si 'Linda Walker!'
Pagkatapos nito, kumalat naman sa social media ang isang art card na nagko-congratulate sa isang nagngangalang Louise Angela Baltazar Etino, isang cum laude graduate ng degree program ng Bachelor of Science in Biology sa University of the Philippines (UP) Visayas.
Ibinahagi naman ng kaniyang umano'y tita na si Liberty Parcon Baltazar ang magandang balita sa social media.
Nakakuha umano si Louise Angela ng perfect score na 800 over 800.
Photo courtesy: Liberty Parcon Baltaza/FB
Ayon sa verified Facebook page na "Tatak Ilongga," si Etino ay nakatira sa San Rafael, Iloilo.
Nag-post din ang "Tenten's Academy Online Tutorial" ng pagbati para kay Etino, na anila, alumna nila.
"Congratulations to the Linda Walker of Tenten’s Academy who got 800 standard score in NMAT," mababasa sa post.
"Louise Angela Etino is an alumni of 1010 academy who recently got a 99+ PR. Majority of the 99 - 99+ PR students in NMAT where from Tenten’s Academy," saad pa nila.
Photo courtesy: Tenten's Academy Online Tutorial/FB
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang mismong sinasabing "Linda Walker" ng Pilipinas tungkol dito.