Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang isang human rights group laban sa apat na opisyal ng pamahalaan kaugnay ng sunud-sunod na red-tagging incidents, kamakailan.

Ayon kay KARAPATAN Secretary General Cristina Palabay, isinampa niya ang kaso laban kina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Lieutenant General Antonio Parlade Jr., Presidential Communications Undersecretary Lorraine Marie Badoy, and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Mocha Uson.

Ito ay dahil aniya sinira ng mga ito ang reputasyon ng kanilang grupo dahil iniuugnay ito sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Nais ni Palabay na panagutin ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 9851 (Act Defining and Penalizing Crimes against Humanity) at Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nanawagan din ito sa anti-graft agency na imbestigahan ang mga nasabing opisyal sa paglabag sa Republic Act 6770 (Ombudsman Act of 1989), gayundin sa libel, parehong nasa ilalim ng 1930 Revised Penal Code at paglabag sa 2012 Cybercrime Prevention Act.

-Czarina Nicole Ong-Ki