IFUGAO PRIDE!

MULING mapapanood ang galaw, diskarte at kahusayan ni Ifugao boxing prospect Carl Jammes Martin matapos ang halos isang taong pamamahinga at paghahanda.

Kabilang ang 21-anyos Ifugao pride (15-0, 14 knockouts) sa boxing card na niluluto ng Omega Pro Sports International (OPSI) boxing bubble sa Mandaue City – ikalawang boxing event sa Cebu mula ng payagan ang pagbabalik ng pro boxing ng Inter-Agency Task Force (IATF) batay sa rekomendasyon ng Games and Amusements Board (GAB).

Ayon nakatatandang kapatid at tumatayong manager ni Martin na Je-iel Martin, nakausap na umano niya si OPSI vice president Jerome Calatrava na naghahanda na para sa dalawang boxing cards na sabay na gagawin sa Disyembre 18 sa loob ng International Pharmaceuticals, Inc. (IPI) compound sa Mandaue City.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Hopefully we can reach a deal with them. It’s hard to put up a promotion these days and we’re still lucky OPSI has expressed their willingness to open up a slot for my brother,” pahayag ni Je-iel.

Ang ama ni Martin na si Abel ang nagsisilbi naming trainer ng batang fighter.

Bahagi ng plano ng pamilya Martin sa 2020 na mailaban ang tinaguriang “Wonder Boy” sa pinakamabibigat na local fighter bilang paghahanda sa pangarap na GAB Philippine title bago tuluyang pumalaot sa mas mataas na level sa international scene.

Ngunit, naunsiyami ang lahat bunsod ng COVID-19 pandemic.

“I’m still thankful there is an opportunity for me to get a fight this year. I’ve known a lot of boxers who have given up in terms of seeing action this year,” pahayag ni Martin.

“While we are doing this for our boxers, we also thought of putting up a separate card for other promoters and give their boxers an opportunity to fight. It’s our way of helping the country’s boxing community,” sambit naman ni Calatrava.

Huling lumaban si Martin nitong Disyembre 21, 2019 at impresibong pinabagsak sa third round ang beterano at international campaigner na si Philip Luis Cuerdo.

Kinalugdan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang isinagawang ‘bubble’ ng OPSI kamakailan bunsod nang pagtalima sa lahat ng ‘safety and health’ protocol ng IATF, kabilang ang 15-day quarantine swab test at tamang social distancing.