SA pamamagitan ng Instagram story binalaan ni Angel Locsin ang mga netizens na fake account ang “Angel Locsin Tulong” sa Facebook na namimigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Nakasulat sa FB page ang Typhoon Ulysses Assistance Initiative po ang page namin at ang nakababahala ay ang post na “Paki-send nalang ang full name address pangalan sa link sa ibaba. Magpapadala ako ng 10,000.” Tapos may litrato ng maraming tig-wa-one thousand pesos.
Malaking halaga ang 10,000 at marami ang maeengganyo at ang nakalulungkot lang, hindi si Angel ang mamimigay ng pera, kung totoo man. Kaya pumalag si Angel, nag-post ng babala na “Hindi ko po ginagamit ang pangalan ko pag tumutulong” at “ANY PAGE NA NAG-O-OFFER NG HELP NA MAY NAKALAGAY NA “ANGEL LOCSIN” ay FAKE po.”
Kailangang magbigay ng babala si Angel at baka scam ito at sa kanya magalit ang tao. Ang totoong cash assistance na ibinigay niya ay tig-wa-one thousand sa 1,000 katao dahil limited na ang resources nila.
-NITZ MIRALES