NAKABAWI ang E-Gilas sa Australia, 81-55, sa muling pagtatagpo sa FIBA basketball nitong Sabado.

Sa kanilang unang pagtutos, nabigo ang Pinoy. 50-73.

Pinangunahan ni Aljon “Shintarou” Cruzin ang Philippine side laban sa region’s best NBA 2K team, sa natumpok ang 37 puntos. Nag-ambag si Clark “Clark” Banzon ng 19 puntos sa 6-of-11 shooting ng E-Gilas.

Nagsimula nitong Sabado ang FIBA Esports Open 2020 II kung saan kapwa nanguna ang Saudi Arabia at ang Pilipinas sa kinabibilangan nilang Conferences makaraang magsipagtala ng tig-tatlong panalo.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Tumapos ang Saudi Arabia na may markang 3-1 ungusan ang Lebanon sa Middle East Conference,habang nakalamang naman ang E-Gilas Pilipinas sa kanilang head-to-head ng Australia upang manguna sa pinagsamang Southeast Asia / Oceania Conference matapos magtapos sa parehas na barahang 3-1.

Nagwagi ang Australia kontra E-Gilas, 70-53 sa opening game sa pamumuno ni Benjamin Klobas (@Waurk) na nagtala ng 26 puntos at 15 assists bago nila ginapi ang Indonesia,75-61 para sa ikalawa nilang panalo.

Bumawi naman ang E-Gilas at pinulbos ang Indonesia, 65-37 para sa una nilang panalo sa pamumuno ni Angelico John Cruzin (@PLE_Shintarou) na kumana ng walong triples at tumapos na may 28-puntos at 8 assists bago binalikan ang Australia, 81- 55 para sa kanilang ikalawang panalo.

Tinapos ng Pilipinas ang opening day sa pamamagitan ng 65-50 panalo kontra Indonesia habang pinanatiling winless ng Australia ang mga Indons sa pamamagitan ng 80-59 na paggapi dito.

Marivic Awitan