Nag-aalala na ang coronavirus pandemic ay hindi magiging huli, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng isang an early warning system at napapanahong tugon upang harapin ang mga public health emergencies sa Southeast Asia (SEA).
Sa pagsasalita sa virtual 15th East Asia Summit noong Sabado, inendorso ng Pangulo ang isang regional center for public health emergencies pati na rin ang isang reserba ng essential medical supplies upang paganahin ang mabilis na pagtugon sa mga pangangailangang pang-emerhensiya.
“COVID-19 will not be the last pandemic. The next big one will come and it will just be a matter of ‘when.’ We must have effective early warning systems – as correctly pointed out by (Indonesian) President (Joko) Widodo – and timely response mechanisms,” sinabi ni Duterte sa kanyang pagtalumpati sa video conference.
“We seek support from our partners for the ASEAN Center for Public Health Emergencies and Emerging Diseases and the ASEAN Regional Reserve of Medical Supplies,” aniya.
Isinulong din ni Duterte ang pantay na pag-abot sa mga bakuna sa pandemyang coronavirus sa abot-kayang halaga.
Nanawagan din ang Pangulo para sa pinahusay na multilateralism sa pagharap sa mga hamon sa seguridad ng tao at paraan ng pamumuhay, mula sa pandemyang coronavirus hanggang sa pagbabago ng klima.
“One thing is clear, no country can address these issues on its own. The fate of the powerful can no longer be separated from those of the weak,” sinabi niya
Tinawagan din ng Pangulo ang ASEAN’s Dialogue Partners na muling mangako sa climate action at pangunahan ang bansa tungo sa net zero emissions.
Binanggit din ng Pangulo ang 2016 arbitral ruling sa South China Sea, na kanyang inilarawan na “definitive application” ng 1982 United Nations Convention of the Law of the Seas. “We must commit to the rule of law – fully and firmly. There is simply no other acceptable basis for order in our region – but the law,” ayon kay Pangulong Duterte.
Ang East Asia Summit ay sinalihan ng ASEAN leaders mula Australia, China, Japan, Republic of Korea, New Zealand, at Russian Federation, at kinatawan ng United States at India.
Nakilahok din sina UN Secretary General António Guterres at World Bank president David Malpas bilang mga panauhin ng ASEAN chair Vietnam.
-Beth Camia at Genalyn Kabiling