MABILIS ang pagtugon ng Manila Electric Company (Meralco) at ang social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF) sa panawagan ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid 2020 na ang layunin ay mapabilis ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

Nitong Nobyembre 7, nagpadala ang Meralco ng 206 na katao na binubuo ng mga engineer, linemen, at support personnel upang tumulong sa power restoration sa Albay, Catanduanes, at ibang bahagi ng Camarines Sur.  Kabuang 65 katao naman mula sa grupong ito ay tutulong sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga restoration works na gagawin nito sa Bicol.

Nagsisimula na rin ang pagkilos para maibalik ang serbisyo sa ilang bahagi ng eastern part ng Metro Manila na lubhang naapektuhan ng huling bagyong dumaan sa bansa.

Ang Meralco ay nakikipag-ugnayan para sa proyektong ito sa Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (Philreca), at sa iba pang mga Electric Cooperative sa Bicol.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!