Patuloy na naglalabas ng sobrang tubig ang Angat at Ipo Dams sa Bulacan mula sa kanilang mga reservoirs nitong Sabado dahil sa patuloy na pag-agos ng tubig lmula sa kabundukan.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, at Astronomical Services Administration na binuksan ang karagdagang isang gate ng spillway dakong 9:00!ng umaga nitong Sabado, kayat sa tatlong gate na ang naglalabas ng tubig mula sa reservoir ng Bulacan.

Ang bawat gate ay may dalawang-metro na pagbubukas.

Nagdagdag ang mga awtoridad ng Angat Dam ng isa pang gate upang palabasin ang tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig ng dam, na lumampas na sa normal high water level na 210 metro mula noong Huwebes matapos ang pagdaan ng bagyong “Ulysses.”

National

VP Sara, pinasalamatan mga sundalong naglilingkod nang may ‘integridad’

Hanggang 9:00!ng umaga kahapon, ang antas ng tubig ng Angat Dam ay umabot sa 214.21 metro, na medyo mas mataas sa 213.72 metro tatlong oras mas maaga bandang 6:00’ng umaga.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa mababang komunidad ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, at Plaridel sa Bulacan, pati na rin ang mga kinauukulang Local Disaster Reduction and Management Council, na magsagawa ng naaangkop na aksyon laban sa pagbaha.

-Ellalyn V. Ruiz