Umapela ang Facebook para sa mga donasyon para sa mga nabiktima ng Super Ty­phoon “Rolly” (international name: Goni) na nanalasa sa Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa isang post sa Facebook, hinimok ng higanteng social media ang mga gumagamit na bisitahin ang Crisis Response Page para sa Bagyong Rolly upang magbigay o tumanggap ng tulong, kabilang ang paghingi o pag-aalok ng tirahan, pagkain, tubig, transportasyon, at bolun­taryong gawain.

Ang users ay maaari ring direktang mag-donate sa pa­mamagitan ng pag-click sa donate button na nakikita sa loob ng pahina.

“Our thoughts are with every­one affected by Typhoon Rolly,” sinabi ng social media giant ni­tong Miyerkules.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Sinabi ng Facebook na tata­patan nito hanggang sa $150,000 (P7.2 milyon) ang mga donasyon na ibibigay sa GlobalGiving.

Ang mga nalikom mula sa donation drive ay ibibigay sa mga pamayanan na apektado ng Bagyong “Rolly.”

Ang pinsala sa imprastrak­tura at agrikultura na dulot ng Bagyong “Rolly” ay umabot sa halos P18 bilyon, sa tala nitong Nobyembre 11.

Ang bilang ng mga namatay ay nasa 25, na may 399 ang na­sugatan, at anim na nawawala sa Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol.

-Gabriela Baron