Tinatayang 5,903 sangkot sa iligal na droga ang napatay nang manlaban sa Tokhang operation ng ‘war on drugs’ ng pamahalaan, iniulat kahapon ng Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Habang 10,000 drug high-value targets (HVTs) naman ang arestado magmula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2016.

Batay sa huling opisyal na datos ng PDEA, simula Hulyo 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2020, may 10,488 high-value targets, kabilang ang 283 foreigners, 356 elected officials, 102 uniformed personnel, 438 government employees, 3,034 target-listed, 747 drug group leaders, 66 armed group members, 1,004 drug den maintainers, 229 wanted, 16 celebrities o Professional Regulation Commission (PRC) license holders, at 4,213 suspects na naaresto sa kasagagan ng high-impact operations.

Sa pinagsamang ulat naman hinggil sa napatay na drug suspects nang manlaban sa “Tokhang operations”, umabot sa 5,903 ang napatay base sa report nitong Setyembre sa 178,616 anti-illegal drug operations na ikinaaresto ng 259,296 kabilang ang 10,000 high value targets at 3,354 na menor de edad ang nasagip.

National

VP Sara sa Valentine’s: ‘Bigyan natin ng halaga ang pagmamahalan’

Ayon sa PDEA, sa 42, 046 barangays, nasa 20,289 ang idineklarang ‘drug cleared’ nitong Setyembre 30, base sa inisyung certification ng mga miyembro ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.

Nasa P54.02 bilyon halaga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga ang nasamsam, kabilang ang P44.22 bilyong shabu.

Nabatid na ang datos ng PDEA ay lubhang mas mababa kumpara sa sinabi ng local and international human rights groups na mahigit 27,000 indibidwal na ang napatay sa madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

“The lead agency against illegal drugs, has adopted a three-pronged strategy in the national anti-drug campaign which focuses on reducing its supply, demand, and harmful effects,” paliwanag ni PDEA Director General Wilkins Villanueva.

-Jun Fabon