Hindi nagkomento si Philippine National Police(PNP) chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na Nobyembre 10.

Hndi pa aniya sila nagkaka-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nalalapit na pagreretiro nito.

Gayunman, sinabi ng heneral na anuman ang magiging desisyon ng pangulo susundin nito.

Kamakailan, nagsumite na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ng shortlist kay Duterte para sa kanyang ekomendasyon para maging susunod na hepe ng PNP.

Lalaking nakipaglaro ng baril, kritikal nang maputukan sa ulo!

Nilinaw ni Cascolan na ang lahat ng miyembro ng kanyang “dream team” ay kuwalipikadong maging kapalit nito sa posisyon.

Ang tinutukoy ni Cascolan na “dream team” ay ang tatlong senior members ng kanyang Command group na sina PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Guillermo Eleazar, bilang number 2 man ng PNP; PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Cesar Hawthorn Binag, at Chief of Directorial Staff MGen. Joselito Vera Cruz na No. 3 man ng PNP.

Alinsunod sa batas, ang lahat ng 1-star General pataas ay eligible na maging hepe ng PNP.

Kumpiyansa aniya siya na sinuman ang maging susunod na PNP chief ay maipagpapatuloy nito ang mga programa ng pulisya.

-FER TABOY