PINAPAYAGAN na ang travel agencies, tour operators, reservation services, at iba pang kaugnay na mga aktibidad na mag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa limitadong kapasidad simula sa Biyernes.
Ito ay matapos na magpalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Memorandum Circular 20-53 na may petsang Oktubre 14 na muling ikinategorya ang nasabing mga aktibidad na nauugnay sa paglalakbay at turismo mula sa Category III patungo sa Category IV.
Ang mga muling nauri na aktibidad na ito ay maaaring gumana sa 50-porsyento na kapasidad sa mga lugar na nasa GCQ.
Pinalawak din ng MC ang kapasidad sa pagpapatakbo ng travel agencies, tour operators, reservation services, at iba pang kaugnay na mga aktibidad sa mga lugar na nasa modified GCQ (MGCQ) hanggang sa 100 porsyento.
Ipinaalala ng DTI sa travel agencies at mga tour operator na panatilihin ang minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko sa muling pagbubukas ng kanilang mga negosyo.
Idinagdag nito na ang DTIbFair Trade Enforcement Bureau at ang mga regional at provincial offices ay susubaybayan ang pagsunod sa mga aktibidad na ito sa negosyo.
“Inspection by the DOT (Department of Tourism), DOLE (Department of Labor and Employment), DOH (Department of Health), and the LGU’s (local government units’) Health Office may also be conducted at any time,” dagdag ng MC.
Ayon sa isang survey ng PwC Philippines, 97 porsyento ng mga negosyong nauugnay sa turismo ang nagsabi na ang pandemyang Covid-19 ay may malaking epekto sa kanilang operasyon sa negosyo at nagdudulot ng matinding pag-aalala.
Kabilang sa mga nangungunang alalahanin ng mga negosyong ito ay financial at operational impact, paghina ng turismo, at pagbaba ng tourism confidence.
Ang sektor ng turismo ay hawak ang 12.7 porsyento ng gross domestic product ng bansa at nagbigay ng 5.71 milyong mga trabaho noong 2019.
PNA