Tiniyak ni Speaker Lord Allan Velasco na pagtitibayin nila sa pangatlo at pinal na pagbasa ang P4.506 trilyong national budget para sa 2021 ngayong araw.

Nang nahalal siya bilang bagong speaker noong Martes, kumilos agad si Velasco upang muling rebisahin at pagtibayin ang pambansang budget sa ika-2 pagbasa, na una rito ay ipinasa nang apurahan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Kinuwestiyon nito ang legalidad ng pasya ni Cayetano at mga kaalyado noong nakaraang linggo na i-railroad ang approval ng national budget nang hindi pa nakukumpleto ang deliberasyon ng may 27 ahensiya at budget items at sinuspinde ang sesyon mula Oktubre 6 hanggang Nobyembre 16.

“As the head of a nation comprised of 109 million people, our president is voicing out the widespread sentiment that the interest of our people---especially at this time of the COVID-19 pandemic and the concomitant crises it has spawned---is being sacrificed before the altar of personal greed and political ambition,” ayon sa bagong Speaker.

Politics

Pulong, balak itapat ni VP Sara kay Romualdez sa House Speakership?

-BERT DE GUZMAN