Ang lahat ng iligal na droga na nakumpiska ng mga awtoridad ay dapat sirain sa loob isang linggo upang maiwasan ang pag-recycle ng kontrabando ng mga walang prinsipyong indibidwal, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa Pangulo, sa pagsira sa mga nakumpiskang droga ay mas mahusay na mapoprotektahan ang mga Pilipino dahil maiiwasan nito na manakaw, magamit at ma-recycled ang mga ilegal na sangkap.
“I want all the shabu residual or otherwise, however minimal, destroyed, the whole of it by next week. You have so many days to do it in one week. Do it in one week. Destroy and get specimen,” sinabi ni Duterte sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi.
“We go by science, there’s the experiment. Why do we have to put on our shoulder the burden of keeping a contraband or merchandise that can be stolen and used, and recycled?” aniya.
Nabanggit niya na ang iligal na droga ay dapat sirain ilang sandali lamang matapos ang ocular inspection ng korte. Ang mga kinatawan Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at ng National Bureau of Investigation ay laging naroroon sa naturang inspeksyon, dagdag niya. Umaasa si Duterte na susuportahan ng Korte Suprema ang kanyang posisyon sa agarang pagsira ng mga nakumpiskang droga.
“I hope the Supreme Court will agree with me --- just a few days after, they should be destroyed and be accounted for accurately. But as I said, sans the practice of stealing and recycling,” aniya.
“So we can more or less improve things, better protect the Filipino people while doing a concerted action,” dagdag niya.
Noong Hulyo, pinaalalahanan ng Korte Suprema ang mga hukom na pabilisin ang inspeksyon at pagsira ng iligal na droga na nasamsam sa mga operasyon ng pulisya.
Nakasaad sa batas na ang korte ay dapat magsagawa ng pag-iinspeksyon sa mga nakumpiskang gamot sa loob ng 72 oras pagkatapos magsampa ng kasong kriminal. Ang mga gamot ay dapat na sirain sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng inspeksyon.
-Genalyn Kabiling