Marami ang katulad ni Sunshine Cruz na isang working mom since she separated from ex-husband Cesar Montano. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong Setyembre 2018.

sunshine cruz

“Mahirap ang maging ina at ama sa tatlo kong anghel na sina Angelina, Samantha at Francheska. Sanay sila na lagi kaming magkakasama. Ihave to work for them at nauunawaan nila ito,” lahad ni Sunshine.

Mahalaga para kay Sunshine na makatapos ng pag-aaral ang mga anak.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

“Darating din ang oras para sa love. huwag silang magmadali they are still young. Magtapos muna at maghanap ng magandang trabaho. Walang sekreto sa aming mag-iina. Im always here to protect them always at open palagi ang line of communication sa isa’t isa.”

Ano ang maipapayo ni Sunshine sa mga single at working mothers na tulad niya? “Huwag masyadong strict at pakinggan ang kanilang panig.”

Nasa lahi ng mga Cruzes ang pagkanta at namana ng tatlo who sings well. Hindi rin niya pipigilan kung gusto nilang mag-showbiz.

“Walang makakaligtas sa showbiz intriga na up to now ay naaapektuhan ako when they get too personal or below-the-belt. Gusto kong isipin na ang mga anak ko are stronger at smarter.” Paano na ang personal niyang kaligayahan. Ang tanong: kailan sila lalagay sa tahimik ng kanyang current love na si Macky Mathay?

-REMY UMEREZ