LIKE other celebrities, pinasok na rin pala ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang online business. Dahil mahilig ang Popstar Royalty sa pagbi-bake ng cake, ito ang napagkasunduan nilang negosyo at ibenta online. May special o kakaibang flavor ang cake ni Sarah, ang Lemon Blueberry Buttermilk at makikita sa post ito ni Matteo ang tungkol sa cake sa kanyang social account.
“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest.” post ni Matteo.
Madaming nag-inquire sa mag-asawa kung kailan available ang ipinagmamalaking cake made or baked by Sarah? Ani Matteo, “Taking orders soon. One week in advance, pre-order. I’ll send you the menu.”
Pagkatapos i-post ni Matteo ang tunkol sa bentahan ng cake, dinagsa agad ng mga gustong mag-advance order sa couple mula sa kanilang mga malalapit na kaibigan at maging sa kanilang Instagram followers. Halos lahat ay gustong maunang makatikim sa cake ni Sarah. Wow, mukhang magiging box-office din ang cake business nina Sarah.
-Ador V. Saluta