Nagbabala ang World Health Organization nitong Biyernes na ang pagkamatay ng coronavirus ay maaaring humigit sa doble sa dalawang milyon kung hindi mapanatili ang mga hakbang sa pakikipaglaban sa impeksiyon.
Ang pagkamatay sa buong mundo ay umabot sa 985,707 ayon sa bilang ng AFP nitong Biyernes, mula sa higit sa 32.3 milyong mga kaso.
Ang pinakamatinding tinamaan na US ay tumawid sa pitong milyong kaso - higit sa one-fifth ng pandaigdigang kabuuan.
“One million is a terrible number and we need to reflect on that before we start considering a second million,” sinabi ni WHO emergencies director Michael Ryan sa mga mamamahayag nang tanungin kung gaano aabutin ang mas mataas na pagkamatay.
Ngunit idinagdag niya: “Are we prepared collectively to do what it takes to avoid that number?
“If we don’t take those actions... yes, we will be looking at that number and sadly much higher.”
Ngunit mayroong isang kislap ng pag-asa mula sa isang papel na inilathala sa New England Journal of Medicine, na nagmungkahi na makakatulong ang mask sa pagkalat ng kaligtasan sa sakit sa virus sa pamamagitan ng paglilimita sa pagkakalantad ng mga tao sa napakakaunting dami lamang nito.
AFP