Kasabay ng pagpupulong kahapon ng National Task Force Against COVID-19, binuksan na sa publiko ang mega-complex facility para sa mga pasyente o nahawaan ng nasabing sakit sa Taguig City.

Kabilang din sa binuksan ang bagong Molecular Laboratory, Lakeshore Mega-quarantine facility, at Lakeshore National Testing facility.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaang lungsod ang kahalagahan ng kooperasyon sa national government at ng task force nito upang malagpasan ang pandemiya.

Ang mga nasabing pasilidad ay karagdagan sa all-of-government approach testing, tracing at paggamot sa mga nahawaan ng virus.

3 sa bawat 4 estudyanteng Pinoy, gumagamit ng 'paraphrasing AI tool!'—survey

Sinabi naman ni Mayor Lino Cayetano, ang pagkahawa o impeksiyon sa lungsod ay pinakamababa sa buong Metro Manila ngayong Setyembre.

Nitong Setyembre 22, naitala ng lungsod ang pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

-Bella Gamotea