July 23, 2026

Home BALITA Metro

78 OFW applicants, nailigtas sa isang illegal recruitment agency sa Makati

78 OFW applicants, nailigtas sa isang illegal recruitment agency sa Makati
Photo courtesy: DMW


Nasagip ng Department of Migrant Workers (DMW) ang aabot sa 78 aplikanteng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa isang ilegal na recruitment agency sa Palanan, Makati City noong Huwebes, Hunyo 18.

Batay sa ulat na ibinahagi ng DMW, nailigtas ang mga aplikante sa accomodation facility ng nasabing illegal agency—kasabay ang pag-iisyu dito ng  Closure Order No. 2.

Pinangasiwaan ng DMW ang naturang operasyon—katuwang ang Migrant Workers Protection Division (MWPD) upang paigtingin ang kampanya kontra illegal recruitment at human trafficking.

Base sa mga paunang impormasyon, ang agency na pinangalanang “Jenerick International Manpower Incorporated” ng mga biktima, ay nag-alok umano ng trabaho bilang domestic workers sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Gitnang Silangan.

Napag-alaman din ng departamento na unregistered agency at walang clearance ang nabanggit na ilegal na agency.

Nagtulong naman ang DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang bahagian ng tulong ang mga nailigtas na aplikante.

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!



Panawagan ng departmento, tiyakin at siguraduhing beripikado ang kinauugnayang recruitment agency bago magsumite ng mga dokumento at kabayaran.

Hinikayat din nila na maging mas mapanuri at maingat hinggil sa mga alok na trabaho sa ibang bansa.

Anila pa sa publiko, agad na iulat sa kanila kung mayroong matutunugan o maoobserbahang kahina-hinalang recruitment activity.