Kahit na sa pinakamabuti nito, ang administrasyong Duterte ay tila hindi magiging sapat para sa mga kritiko nito.

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya kay Vice President Leni Robredo at iba pang mga kritiko sa kanilang patuloy na pamumuna sa bawat pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya ng coronavirus at maging sa pagpapaganda sa baybayin ng Manila Bay.

Ayon sa Pangulo, ang mga kritiko na ito ay laging maghahanap ng kasalanan sa administrasyon anuman ang pagkilos nito.

“Iyong mga bunganga niyo wala nang ginawa para lang to criticize at idiin ang itong administrasyon. So wala man rin silang magawa,” sinabi ni Duterte sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi.

National

DepEd, umalma sa kumakalat na may Grade 13 na sa Senior High School

“Wala naman tayong magawa. You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do?” aniya.

Nagdamdam si Duterte sa mga batikos sa umano’y hindi sapat na pagtugon ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ipinaalala niya kay Robredo at sa “dilawan” na mga kritiko na iwasang gumawa ng “reckless statements” na ang gobyerno ay hindi gumagawa ng sapat upang matugunan ang sitwasyong pangkalusugan. Iginiit niya na ginagawa ng gobyerno ang makakaya upang tumugon sa public health emergency.

“We are doing our job, period,” aniya. “Kagaya nila na ‘yung mga dilawan. Maski anong sabihin mo, hindi mo gawin, masama ka; gawin mo, masama ka pa rin. Eh (pagmumura) anong gusto mo? Spray-han kita ng DDT?,” aniya.

Hanggang nitong Setyembre 21, ang bansa ay nakapagtala ng 290,190 kaso ng coronavirus na may 4,999 pagkamatay at 230,233 gumaling.

-GENALYN D. KABILING