Salungat sa Freedom of Information (FIO).

Ito ang katwiran ng non-government organization (NGO) na Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI) kaugnay nang paglilimita sa pag-access ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Idinahilan ni PMPI national coordinator Yolly Esguerra, ang mga bagong alituntunin ay mas mahigpit upang kwestiyunin ang yaman ng isang opisyal na maaaring sangkot sa korapsyon.

Sa halip aniya na protektahan ni Ombudsman Samuel Martires ang mga matataas na opisyal ay dapat nagbalangkas na lang ito ng mas mahigpit na batas upang maging mas transparent at mapananagot ang mga tiwaling opisyal.

Eleksyon

Luke Espiritu, ikinalugod 6M bumoto sa kaniya ‘kontra dinastiya’: ‘Dapat manginig na sila!’

Beth Camia