Binigyang diin ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan ng patuloy na komunikasyon sa mga mag-aaral, magulang, guro, at opisyal ng paaralan upang maiwasan ang pagod at stress ng mga magulang mula sa distance learning sa panahong ito ng pandemya.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang kanyang tanggapan ay tumatanggap ng maraming feedback mula sa mga magulang at iba pang adults na sinusubaybayan ang edukasyon ng kanilang mga anak sa bahay.

“I have been receiving feedback from parents themselves,” aniya. “This is also why the DepEd has been conducting webinars and other activities that will provide psychosocial support to parents and other adults.”

Sinabi ni DepEd Undersecretary and spokesperson Atty. Nepomuceno Malaluan na dahil hindi pa nagsisimula ang mga klase sa mga pampublikong paaralan, karamihan - kung hindi lahat - ang mga magulang na nagrereklamo sa burnout ay nagpatala ng kanilang mga anak sa mga pribadong paaralan.

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Habang ang pagbubukas ng mga klase sa buong bansa para sa School Year (SY) 2020-2021 ay nakatakda sa Oktubre 5, daan-daang mga pribadong paaralan ang pinayagan na simulan ang kanilang mga klase simula Hulyo sa pamamagitan ng online learning.

Sinabi ng DepEd na maaaring hindi maiiwasan parental burnout at stress sa darating na school year dahil ang sistema ng edukasyon ay sapilitang lumipat distance o remote learning. Habang sinisikap ng DepEd na matugunan mental health at psychosocial support ng mga magulang at iba pang adults, wala nang magagawa sa oras na ito kundi sikaping makapag-adjust,’sinabi nito.

“This is not one-time, it’s not like having a single silver bullet (of) psychosocial (intervention) will already remove all the worries and the apprehensions and anxieties of all learners and students,” he said. “So, what’s important is the constant communication that has to happen,” dagdag ni Malaluan.

-Merlina Hernando-Malipot