Pinagkalooban ng House Committee on Appropriations ng P8.2-bilyon budget ang Office of the President (OP) para sa 2021.

Naging mahaba ang talakayan sa OP budget kumpara sa nakalipas na mga taon na 10 minuto lang at agad itong pinagtitibay ng Kamara.

Iminungkahi ni Davao City Rep. Isidro Ungab, dating chairman ng House committee on appropriations, na aprubahan na agad ang budget ng OP alinsunod sa “parliamentary courtesy”.

Sa deliberasyon, ilang mambabatas ang nagpahayag ng pagkabahala sa P4.5-billion intelligence at confidential funds ng OP.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Kinuwestiyon ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago kung bakit ganoon kalaking halaga ang ilalaan sa intelligence fund.

Ipinaliwanag ni Elago na kapag dinagdagan pa ang intelligence fund, ito ay aabot na sa P16 billion, na higit na makabubuting ilaan at gamitin sa pagbili ng medical supplies lalo na ngayong umiiral ang Covid-19 pandemic.

Tinapyasan

Samantala, sabhalip na pagkalooban ng P724 milyong budget para sa 2021, binigyan lang ng House committee on appropriations ang Office of the Vice President (OVP) ng P679 milyon.

Ito ang pinakamaliit na budget sa buong burukrasya ng gobyerno bagamat mataas ang audit rating ng tanggapan mula sa Commission on Audit (COA). “We will make do with what is given to us,” sabi ni Robredo House appropriations committee. Nais sana niyang bigyan ang tanggapan ng P724 milyong pondo, para gamitin sa pagbili ng anim na bagong sasakyan, pero tinanggihan ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Gayunman, ilang kongresista sa Kamara na supporters ni Robredo ang humiling na dagdagan ang budget mula sa 10 porsiyento at gawing doble o triple ang alokasyon ng OVP.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. nakahihiyang binigyan lang ang OVP ng “lowest budget allocation in the entire Philippine bureaucracy.”

Ganito rin ang paniniwala nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez Baguio City Rep. Mark Go at ACT-CIS Party-list France Castro.

“It has been engaging in front-line activities and people empowerment, but still, its budget is the smallest in the entire bureaucracy,” aniya.

Iminungkahi nina Baguio City Rep. Mark Go at ACT Teachers na doblehin at triplehin ito at gawing P1 bilyon.

-Bert de Guzman