Nagpasalamatsi Kapuso singer-host Julie Anne San Jose sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya sa recording at ngayon naman ay sa kanyang YouTube channel na “My Guitar Princess,” na umaabot mayroon nang 100,000 subscribers.

Kung natatandaan, pinagbidahan ni Julie Anne in 2018 ang morning drama series na My Guitar Princes at nakasama niya sina Sheryl Cruz at nakatambal ang bago noong Kapuso actor na si Gil Cuerva, at si Kiko Estrada. Produced ito ng GMA Public Affairs at doon nakilala ang mga original songs niyang Walang Kapalit, Is This Love? at Maghintay.

Sa official YouTube channel niya ng “My Guitar Princess” mapapanood ang mga kilig episodes, songs with exclusive videos, behind the scenes, at song covers. At ngayong umabot na sa 100,000 subscribers ang YouTube channel niya, tatanggap na ito ng Silver Play Button award.

Meanwhile, every Sunday ay napapanood pa rin si Julie sa live episodes ng All-Out Sundays at magsisimula na rin silang mag-taping ng musical program na The Clash 3. Sila pa rin ni Rayver Cruz ang hosts, sina Ken Chan at Rita Daniela as Clashmates at judges sina Lani Misalucha, Christian BSa ngayon ay naghahanda na ang buong production para sa mga required health protocols sa pagbabalik nila sa television.

Tsika at Intriga

Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'

-Nora Calderon