Nag-post si Sharon Cuneta ng quote, “People who love to eat are always the best people” mula sa American author and Television personality na si Julia Child at aminado siyang nakaka-relate siya rito dahil isa siya sa mga taong ito.

sharon

Ang caption ni Sharon sa quote ni Julia, “So true! Basta hinay-hinay lang. Everything in moderation. Huwag naman ‘yung magkakasakit ka na or may sakit ka na kumakain pa ng bawal. Di rin bale na chubby basta healthy. Be proud of your body! Body image issues are the problems of those who like judging people, not yours. Enjoy life! Wanna be skinny? Be that. Wanna be “in-between?” Be that. Wanna be chubby? Be that! Wanna be obese? Be that as long as you stay healthy! Life is short. People should accept one another as they are. Be kinder. And eat good food! Enjoy eating to live. Don’t naman live to eat lang- unhealthy na. Though don’t we all wish we could. Hahaha!”

Anyway, may pinost si Sharon na isang castle/villa/mansion na pangarap niyag bilhin kung hindi lang nagkaroon ng COVID-19 pandemya at matatagpuan ito sa Europe na matagal na niyang pangarap.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Caption ng Megastar, “Eto noon pa ang pangarap ko. Totoong for sale ang mga ito sa Europe. Kasi ilang taon ko nang joke sa mga anak ko na pag may mga anak na sila, kikidnapin ko mga apo ko at kami na lang ang magkakasama! Di malalaman ng mga anak ko saan ang castle namin! Hahaha!

“Sa ngayon, pangarap lang. Mahal eh! Buisit talaga na COVID ito. Kung natuloy lang lahat ng trabaho ko sa 2020 may chance pa sana. Eh papagawa pa kami bahay dito sa ngayon. Kundi lang sa mga anak ko wala na akong bahay dito condo na lang.

“Haaayy, Love nila ang Westgrove (Sta. Rosa, Laguna) eh. Para naman di sila aalis at mag-aaral sa ibang bansa. Tapos mag-aasawa. Humanda sila. Kikidnapin ko lahat ng apo ko! Si Miguel lang kasabwat ko sa lahat eh. Kahit san ko gusto pumunta sasama daw sya. Hahaha! My baby boy.”

‘Ang yaman talaga ni Sharon,’ ito ang nabasa naming komento ng followers niya sa IG.

-Reggee Bonoan