GUEST mag-dyowang Rayver Cruz at Janine Gutierrez ang guest sa programang Mars Pa More nina Iya Villania at Camille Prats kung saan nabuking na sa publiko na hindi mahilig magbigay ng regalo ang dalaga.

Natanong kasi kung sino ang generous pagdating sa regalo at pumiyok na kaagad si Janine na guilty siya pero hindi naman daw siya kuripot kundi wala lang siyang sapat na panahong mamili ng regalo lalo na para sa mahal niyang si Rayver.

Natatawang kuwento ni Rayver, “Sa isang pinaka-special day namin, hanggang ngayon wala pa. Wala pang gift. Wala pa siyang gift, so waiting pa ako kasi it’s a very special day but I’m still waiting. Wait lang ako, magwe-wait pa ako.”

Pero ang pitakang bigay daw ng katipan ay gamit-gamit niya at masuwerte dahil maraming blessings na dumarating.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Natatawa namang kuwento ni Janine na binigyan siya ng playstation ng boyfriend na ang saya-saya niya dahil nga, “Sabi ko wow! Playstation. Bata pa ko nu’ng huling nagka-Playstation ako.”

Pero ang totoo pala ang aktor ang maglalaro sa tuwing dadalawin siya nito.

“Natuklasan ko eventually dahil pala pagbisita niya sa bahay eh, magpi-playstation siya. Wais!”sabi ng aktres. Hirit ni Rayver, “That’s how I do it.”

As of now ay going strong pa rin sina Rayver at Janine at kahit may lockdown ay nagagawan pa rin nilang magkitang dalawa.

-Reggee Bonoan