Hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte ng task force na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na lumikha ng isang interim management committee sa state-run insurer.
Iminungkahi ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra, convenor ng Task Force PhilHealth sa Pangulo Dsa isang pagpupulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa Management of emerging Infectious Diseases na ginanap sa Davao City nitong Lunes ng gabi.
Sa pulong, sinabi ni Guevarra na iminungkahi na ng Task Force PhilHealth ito sa harap ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corpations (GCG) na nasa ilalim ng Office of the President..
“We have broached the idea to the GCG of creating an interim management committee for PhilHealth and it’s something that probably the Office of the President may direct the GCG to do so that they will do it more immediately,” sinabi ng kalihim sa Pangulo sa pagpupulong.
Sinabi ni Guevarra na nilalayon ng Task Force PhilHealth na gumawa ng mga rekomendasyon kung ano ang maaaring kailanganin ng mga reporma sa istruktura sa state insurer.
Usigin, ikulong
Samantala, sinabi ni Duterte na ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth ay dapat na pinag-uusig at ipadala sa bilangguan, idinagdag na ieendorso pa niya ang mga kaso na isasampa ng Department of Justice.
“‘Yung PhilHealth ang dapat imbestigahan at dapat i-prosecute lahat at dapat ikulong. Kung iyan na lang ang trabaho ko sa maiwan ko sa tat --- dalawang taon, iyan na rin ang gagawain ko,” aniya sa state television Tuesday.
“One of the things that --- few things that I can do in the remaining two years of my term, uubusin ko ito ‘yung panahon ko to work on the cases for people who are involved in corruption in PhilHealth,” dagdag niya.
Dito ay inatasan ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipalathala ang kanilang naging gastos sa pagtugon sa pandemya.
“Itong PhilHealth, maski paper clip i-publish ninyo at sino ang bidder na mag-supply ng paper clip, maski isa, isabi mo diyan sa newspaper para mabasa,” giit ng Pangulo.
-Beth Camia at Jeffrey G. Damicog