ANG nag-iisang anak na si Thirdy Lacson at ang relasyon ni Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Pampi Lacson ang topic ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online talkshow nitong I Feel You.

jodi

Natanong ni Toni kung may crush na ang anak at kung inaalam nito ang social media kung sinu-sinong girls ang type ng bagets.

“I think it’s okay lang (mag-research). Children, they have to understand na if we do research, it’s not because gusto natin magkontrabida or makialam or manghimasok sa buhay nila, which may karapatan tayo bilang tayo ang kanilang mga ina, hindi ba?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“We just want to make sure na tama ba itong natitipuhan ng anak ko? Ano ba ang mga tipo niya? Part iyan ng research natin kung ano na ba ang mga likes niya pagdating sa crushes or klase ng mga friends,” pag-amin ng nanay ni Thirdy.

Sa tanong kung ano ang matinding challenge na naranasan ni Jodi bilang single mom

“I think siguro ‘yung first part of me being a single mom, that part of transition from having a family to doing things differently.

“Hindi ko rin kasi puwede sabihing solo mom ako na ako lang talaga kasi I would be unfair kay Pampi kasi he’s very much involved in the life of his son,”pahayag ng aktres.

Walang marereklamo si Jodi kay Pampi dahil naging ideal dad siya sa anak nila.

“Wala naman akong masasabi doon. I thank the Lord na we are in good terms talaga. We are friends,”paniguro ni Jodi.

Talagang in good terms sila dahil madalas dumalaw o makitang magkakasama sina Jodi, Thirdy, Pampi at ang bago nitong partner na si Iwa Moto na magda-dalawa na ang anak nila na nagdi-dinner sa bahay nila at nu’ng wala pang pandemya ay madalas silang magbonding sa labas.

Nabanggit din ni Jodi sa virtual mediacon ng serye nilang Ang Sa Iyo Ay Akin na kapag may trabaho siya ay nasa poder ng dad niya si Thirdy kaya panatag ang loob ng aktres na nasa mabuting kalagayan ang anak kahit matagal siyang wala dahil sa lock in ang taping nila.

Pangako rin ni Jodi na lahat ay gagawin niya para sa future ng unico hijo niya.

“I think that no matter what happens, ipaglalaban mo na maitaguyod pa rin siya ng matino, ng maayos.

“Kahit na parang hindi ko man siya nabigyan ng isang buong pamilya, I made sure na I will always be here sa abot ng makakaya ko to provide him with a good life,” pagtatapos ni Jodi.

-REGGEE BONOAN