Ang kambal na pagsabog na yumanig sa Jolo, Sulu nitong Lunes ay isinasagawa ng dalawang suicide bombers ng Abu Sayyaf Group (ASG), hindi isa tulad ng naunang iniulat, ayon sa mga pinuno ng Philippine Army (PA) at Joint Task Force (JTF) Sulu.

Sinabi ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, PA commanding general, na gagawa ng pormal na rekomendasyon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lt. Gen. Gilbert Gapay at Defense Secretary Delfin Lorenzana na ibalik ang martial law sa Sulu.

“Siguro it’s high time na ibalik po natin, if I may respectfully recommend to the President through our Chief of Staff and Secretary of National Defense, na pwede ma-ideklara muli ang martial law sa probinsya ng Sulu dahil sa recent bombing incident n nangyari, “ sinabi ni Sobejana.

Sinabi niya na lalo nitong mapapahusay ang sitwasyon ng seguridad sa lalawigan, at maiiwasan ang pagtakas sa grupo ni Mundi Sawadjaan.

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

“We want to bring back normalcy in Sulu as soon as possible,” dagdag niya.

Ang rekomendasyon, kapag inaprubahan nina Lorenzana at Gapay, ay isusumite sa Malacañang para sa pag-apruba ni Pangulong Ridrigo Duterte.

Sa kasalukuyan, inilagay na ni Mayor Kerkhar Tan sa total lockdown ang

buong Jolo kasabay ng pagkordon sa lugar upang suyurin at malaman kung meron pang panganib sa mga mamamayan at mga otoridad.

Suicide bombers

Isa sa suicide bombers ay Indonesian national na sinasabing asawa ng 23-taong-gulang na si Norman Lasuca, ang unang nakilala na suicide bomber na Pilipino; samantalang ang isa naman ay asawa ni Talha Jumsah alyas Abu Talha, angvm pinatay na bomb expert na nagsilbing tagapag-uugnay ng ASG sa Islamic State (ISIS), ayon kay Sobejana at kay Brig. Gen. William Gonzales, commander ng JTF Sulu.

“Dalawa ito. ‘Yung sa una, suicide bomber din. Na-validate na ito,” ani Sobejana.

Sinabi ni Gonzales na nakuha ng JTF Sulu ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) na nagpapakita na ang unang suicide bomber ay pinasabog ang sarili malapit sa isang naka-park na motorsiklo sa Barangay Walled City, dakong 11:58 ng umaga

Ang pangalawang suicide bomber ay pinasabog ang sarili matapos na sitahin ng isang sundalo na tumugon sa lugar ng pagsabog kasunod ng unang pagsabog dakong 1:00 ng hapon.

Habang isinusulat ito, sinabi ni Gonzales na tinutukoy pa ng mga investigator kung sino sa pagitan ng asawa ni Lasuca o Talha ang responsable sa mga pag-atake.

Hindi muna pinamgalanan ang dalawang suicide bombers habang hinihintay ang mga resulta ng pagsisiyasat na isinasagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Philippine National Police (PNP).

Sa huling tala, umakyat na sa 16 ang nasawi, kabilang ang pitong sundalo, anim na sibilyan, isang pulis, at dalawa suicide bombers. Halos 80 sibilyan, sundalo at pulis din ang nasugatan sa kambal na pagsabog.

Hindi pa inilalabas ang mga pagkakalilanlan ng mga namatay.

Sayang na pagkakataon

Inilahad ni Sobejana na ang dalawang suicide bombers ay ang mga target na hinahabol ng apat na mga operatiba ng intelligence ng Army na pinatay ng siyam na pulisya ng Jolo dalawang buwan na ang nakakaraan.

“Dahil sa nangyari, nakawala sila sa ating monitoring. Sayang ang pagkakataon at ito nga, nagresulta na sa hindi maganda. Mayroong mga kasamahan natin na nasawi at may mga inosenteng sibilyan nadamay pa,” aniya.

Noong nakaraang Hunyo 29, sina Maj. Arvin Indamog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Eric Velasco, and Cpl. Abdal Asula ay sinusubaybayan ang ASG suicide bombers sa Jolo nang sila ay pinara ng mga lokal na pulis sa isang checkpoint operation. Ang insidente ay humantong sa nakamamatay na pagbaril sa apat na army intelligence operatives.

Sinabi ng mga pulis na sinubukan ng mga sundalo na barilin sila.

Gayunpaman, sanpagsisiyasat na isinagawa ng National Bureau of Investigation lumutang na ang mga sundalo ay pinatay nang walang pakundangan ng mga pulis. Kinasuhan na murder at planting of evidence ang mga sangkot na PNP personnel.

Intel gap

Kasunod ng pagkamatay ng Followingl Army intelligence officers, inamin ni Sobejana na hindi na nila nasundan ang mga terrorista idinagdag na nagkaroon ng “intel gap.”

“Nakakapanghinayang nga ang pagkamatay nina Indamog kasi project nila ito. We have invested so much on this project. Medyo matagal din nila itong sinubaybayan,” malungkot na sabi ng Army chief.

Tinutugis

Tinutugis na ngayon ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ang ASG faction na pinaniniwalaang nasa likod ng mga pagpasabog — ang pangkat bomb expert na si Mundi Sawadjaan.

Isang special unit troops din ang ipapadala sa Sulu upang dagdagan ang kasalukuyang puwersa sa lalawigan habang hinahanting ng militar ang pangkat ni Mundi

ASG pangunahing suspek

Sinabi ng mga awtoridad nitong Martes na ang Abu Sayyaf Group (ASG) pa rin ang pangunahing suspek sa kambal na pambobomba sa Jolo, Sulu dahil may kakayahan itong magsagawa ng mga teroristang aktibidad.

“For now, ang suspect pa rin naman ay ang Abu Sayyaf. Wala naman [ibang grupo], eto lang yung may kapabalidad o may capacity na gumawa ng ganitong terroristc activity, ng pang bobomba,,” sinabi ni Gonzales sa dzMM Teleradyo.

-JUN FABON, FER TABOY, MARTIN A. SADONGDONG, NOREEN JAZUL, at KEITH BACONGCO