Sa ginawang kabutihan ni Daniel Padilla sa traysikel drayber na nakabangga ng kanyang vintage sports car, 1967 Ford Mustang ay malamang hihilingin na rin ng ibang drivers na sana makita rin nila ang aktor.

Imbes daw kasi na pagbayarin ni Daniel ang drayber na nakabangga ng kanyang mamahaling sasakyan na ayon sa motoring site na wheels.ph ay nasa P5-7 milyon ang presyo nito.

Base sa kuhang video ng netizen na si Jessica De Vera na kaagad ng nag-trending ng i-post niya ang nakahintong sasakyan ng aktor sa Dahlia Avenue, Fairview, Quezon City at nakitang bumaba si Daniel na kaagad i-check ang likuran at kinausap ang drayber at inabutan ng pera.

Post ni Jessica sa FB page niya, “Si Daniel na nabunggo siya pa nagbigay kay manong. Bait talaga.”

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa video ay nakunang nagkipag- selfie si Daniel at may nagsasalitang ,’si Daniel.’ At binanggit din na dapat may social distancing.

Nakarating naman kaagad sa ina ni DJ na si Karla Estrada ang nangyari at kaagad nitong tinweet na okay ang aktor.

“Guys, okay si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At siyempre, everybody happy! No problem! Tuloy ang buhay!” tweet ng isa sa Magandang Buhay host.

-Reggee Bonoan