Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang P80 milyong halaga ng umano’y pekeng sigarilyo at face masks sa isang bodega sa Marilao, Bulacan, nitong Miyerkules.

Sa pahayag ng BOC, aabot sa 1,000 kahon ng sigarilyo ang natagpuang nakatago sa bodega sa Barangay Sta. Rosa sa naturang bayan.

Nasamsam din sa pagsalakay ang 648 kahon ng pekeng N95 masks.

Idinahilan ng ahensya, isinagawa nila ang pagsalakay kasunod ng intelligence report na nagtatago ng mga pekeng produkto ang nasabing bodega.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

-Betheena Unite