MAPAPANOOD na ang sikat na sabong television program ‘Bakbakan Na’, tampok sina World Slasher Cup champion Joey Sy at matalik na kaibigan na si Eddie Boy Ochoa, na dating umeere sa TV5 tuwing araw ng Linggo mula ika-siyam hanggang ika-sampu ng umaga, sa  One Sports Channel tuwing Sabado ganap na 10:00 ng umaga.

 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang One Sports Channel ay mapapanood sa Channel 41 sa free TV, Channel 6 sa Cignal TV, Channel 59 sa Sky Cable at ganun din sa bagong GMA Affordabox.

 

Gayundin, ang ‘Bakbakan Na’ ay ineere rin tuwing araw ng Linggo (12 ng tanghali at 11 ng gabi) sa Pinoy Xtreme Channel na available sa Channel 106 sa Cignal TV at sa 250 cable tv networks sa buong bansa.

 

Sina Joey at Eddie Boy ay nagpiprisenta ng malalim at malawak na interbyu sa mga beterano, matagumpay at mga umaangat na mga gamefowl breeders mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas pati na sa Amerika kung saan sila nag-iikot taon-taon para sa kanilang annual U.S. gamefowl breeders tour.