LOS ANGELES – Matikas na nakipagsabayan si Pinay golf star Bianca Pagdanganan para makausad sa final round ng LPGA Drive On Championship.
Umiskor si Pagdanganan ng 73 sa Inverness Club nitong Sabado (Linggo sa Manila) kung saan dalawang players lamang ang nakalagpas sa 70.
Sinagupa ng mga players ang malakas na hangin at mabasang kondisyon ng layout, ngunit impresibo ang 22-anyos na si Pagdanganan sa naiskor na tatlong birdies, para makaagabay sa nakuhang dalawang bogeys at double-bogey.
Umarya si Pagdanganan sa ika-32 mula sa 48th kasama ang major winners na sina Anna Nordqvist at Morgan Pressel, na may iskor na 147.
Kumikig din ang isa pang Pinay na si Clariss Guce sa naiskor na 73, tampok ang tatlong birdies at apat na bogeys para makasa sa ika-43 puwesto sina Jessica Korda at Christina Kim.
Kinapos naman si Dottie Ardina sa naiskor na 78 sa ikalawang sunod na round.
Nakabawi naman si rirst-round leader Danielle Kang sa masamang simula para makisoso sa liderato sa naiskor na 73. Kasama niya sina Celine Boutier at Jodi Ewart Shadoff sa 139.
Umiskor si Boutier ng 71, habang kumana si Ewart-Shadoff ng 72.