Tinatayang aabot P500,000 halaga ng ari-arina ang naabo nang masunog ang isang commercial building sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni QC Fire Marshal Sr. Supt. Joe Ferdinand Bangyod, sumuiklab ang apoy mula sa RJJ Plastic Warehouse sa Susano Road, Bgy. Nova Proper, dakong 2:00 ng madaling araw.

Agad namang nakaresponde ang mga firetruck, gayunman umabot pa rin sa ikalawang alarma ang sunog.

Ayon sa imbestigador, nadamay din sa sunog ang mga katabing establisimyento.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng insidente.

-Jun Fabon