Overkill.

Ito ang paglalarawan kahapon ni ACT-Teachers Party-List Rep. France Castro sa paghahain ng tatlong magkakahiwalay na House Resolutions na naglalayong paimbestigahan ang mga paglabag umano ng isinarang ABS-CBN Corporation.

“Personalan na ito talaga at overkill na ang ginawa sa ABS-CBN. Lugmok na nga eh, talagang tinanggalan na nga ng prangkisa, lugmok na lugmok na. Tapos ganito pa,” paglalahad ni Castro sa isang virtual press conference ng Makabayan Bloc.

“Open naman ang Makabayan Bloc na tignan ang mga resolution na ito. Gusto ko lang sabihin din na overkill na ang ginagawa ninyo sa ABS-CBN,” dugtong nito.

Probinsya

Simbahan sa Pampanga, humingi ng dispensa sa mga nasunugan ng balat noong Ash Wednesday

Matatandaang na hindi na nakapag-operate ang ABS-CBN nitong Mayo 5 nang maglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order. Nagtapos ang 25 taong prangkisa ng kumpanya isang araw bago inilabas ang kautusan ng NTC.

Kamakailan, inaprubahan ng Legislative Franchises panel ang rekomendasyong nagbabasura sa franchise application ng kumpanya matapos ang 12 maraton hearing kung saan tinalakay

ang mga umano’y pagkakamali ng may-ari ng ABS-CBN na si Eugenio Lopez III, gayundin ang mga paglabag ng kumpanya.

“So titignan naman natin, kasi lahat naman in aid of legislation eh. Tignan natin kung mayroong justification ‘yung mga sinasabi nila at anong batas ‘yung gusto nilang isulong sa pag-iimbestiga ng property, nung utang, at tsaka noong Amcara,” sabi pa ng kongresista.

-Ellson A. Quismorio