April 19, 2026

Home BALITA

‘Personal comment iyon!’ Torre, nagsalita na sa ‘paldo’ comment ng misis

‘Personal comment iyon!’ Torre, nagsalita na sa ‘paldo’ comment ng misis
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB), Screenshot from Patricia Torre (TikTok)

Nagbigay na ng pahayag si Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III kaugnay sa pinagpiyestahang komento ng misis niyang si Patricia Jane Perbillo Torre.

Matatandaang sa isang TikTok post ni Patricia kamakailan, ibinahagi niya ang video ng mister niyang 

gumagamit ng cellphone habang nakalapat ang “Kumusta Ka” bilang background music.

Iisang netizen ang nangahas magkomento sa video na ito ni Patricia.

Sabi nito, “[G]inamit lng ”

Metro

Tahimik na naghihintay: Motor taxi rider na nakapila para sa ₱5k ayuda ng DSWD, patay!

“At least paldo paldo,” sagot naman umano ni Patricia. 

Nang tingnan ng Balita ang TikTok account ni Patricia, makikita ang naturang komento ng netizen pero wala na ang sagot ni Patricia. Ayon sa mga netizen, burado na raw ito. 

Maki-Balita: Misis ni Gen. Torre, aminadong pumaldo?

Sinubukan ng Balita na kunin ang panig ni Torre hinggil sa komento ni Patricia.

Sagot ni Torre sa Balita nitong Sabado, Abril 18, personal na komento umano ito at hindi sumasalamin sa trabaho nila.

“Personal comment iyon,” anang MMDA Gen. Manager, “out of context at hindi sumasalamin sa trabaho o prinsipyo namin sa serbisyo publiko.”

Dagdag pa niya, “Ang mahalaga—serbisyo, hindi salita. Tuloy ang trabaho.”

Si Torre ay dating hepe ng Philippine National Police (PNP), at ngayon ay nagsisilbing general manager ng MMDA, matapos italaga ni Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang taon, 2025.