Usap-usapan ang komento ng misis ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na si Patricia Jane Perbillo Torre na inamin umano ang “pagpaldo” niya sa mister.
Si Torre ay dating hepe ng Philippine National Police (PNP), at ngayon ay nagsisilbing general manager ng MMDA, matapos italaga ni Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang taon, 2025.
Sa isang TikTok post kasi ni Patricia kamakailan, ibinahagi niya ang video ng mister niyang gumagamit ng cellphone habang nakalapat ang “Kumusta Ka” bilang background music.
Samantala, isang netizen ang nangahas magkomento sa video na ito ni Patricia.
Sabi nito, “[G]inamit lng ”
“At least paldo paldo,” sagot naman umano ni Patricia.
Nang tingnan ng Balita ang TikTok account ni Patricia, makikita ang naturang komento ng netizen pero wala na ang sagot ni Patricia.
Ayon sa mga netizen, burado na raw ang naturang tugon na ito ni Patricia. Kaya naman pinutakti pa siyang lalo sa comment section.
Pero hindi rin naman nagpatinag ang misis ni Torre dahil nakipagbardagulan din siya sa mga bumatikos sa kaniya.
Samantala, wala pa namang pahayag o reaksiyon si Torre hinggil sa mga pahayag na ito ng kaniyang misis.
Sinubukan ng Balita na kunin ang rekasyon ni Torre.