“HINIHINTAY nila ang letter ng COVID RESULT ni KIM ngayon o bukas, kapag POSITIVE diretso libing (walang cremate na magaganap) kapag NEGATIVE naman maglalaan sila ng SKED sa wake for the FAMILY, CLOSE FRIENDS at FANS. Sa FUNERARIA PILIPINAS malapit sa MAKATI CITY HALL ang wake kung sakali,” ito ang mensahe sa amin ni Briane Alejandria na kaibigan ni Michael Argente o mas kilala bilang si Kim Idol na simula palang ay siya na ang nagbibigay sa amin ng update.

kim

Naulila ni Kim ang dalawang kapatid na babae, mga pamangkin at inang si Gng. Maria Taniegra Argente nitong Lunes, Hulyo 13 ng madaling araw 4:45AM sa edad na 41.

Pagdurugo sa utak ang sanhi ng pagkawala ni Kim dala ng sakit niyang AVM o brain arteriovenous malformation na nalaman noong 2015 pa.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Nang isugod siya sa Manila Central University Hospital nitong Huwebes, Hulyo 9 dahil natagpuang walang malay sa pintuan ng kanyang kuwarto ay brain dead na ang sabi ng doktor base sa tests na ginawa sa kanya.

Ang life support na nakakabit sa komedyante ang nagpapagana pa ng kanyang heart beat pero base sa kaibigan nitong si Briane ay pababa na ng pababa ito at hinintay ang inang dumating na galing Bikol para mag-desisyon.

Mahirap para sa isang ina na desisyunan ang buhay ng anak kung nakikita nitong lumalaban naman kaya’t nagpasyang ubusin na lang ang gamot nakalagay, pero umapela ang tiyahin ni Kim at sinabing hangga’t humihinga ay may pag-asa.

Si Briane ang nagrekomenda kay Kim na mapasama bilang Frontliner sa Bureau of Quarantine nitong Abril dahil nga sarado pa ang Zirkoh at Klownz kung saan regular siyang stand up comedian.

Hanggang sa nalipat si Kim sa Philippine Arena bilang Marshall para sa mga naka-quarantine na positibo sa COVID-19.

At nitong Linggo ay binigyan ng tribute si Kim ng mga nakatalaga sa Philippine Arena.

Base sa post ni Briane, “SOBRANG PROUD AKO SA YO KIM IDOL Kahapon ay binigyan ng SALUDO ng mga SUNDALO, DOCTORs, NURSES, at mga FRONTLINERS ng BUREAU OF QUARANTINE kasama ng mga OPISYAL nito si MICHAEL ARGENTE a.k.a. KIM IDOL bilang pagpapugay sa 4 NA BUWAN nyang Paglilingkod at Pagpapasaya sa mga COVID 19 PATIENTS. ANG DAMING NAGMAMAHAL SA YO Kim. LABAN KA LANG. Me awa ang Diyos. GAGALING KA. I CLAIM IT. In JESUS’ MIGHTY NAME.”

Samantala, nag-post naman si Gng Maria Argente sa kanyang Facebook page ng pagpapasalamat at pamamaalam sa anak.

“Anak alam ko lumaban ka para hindi mo kami iwan. Pinaalis mo lang kami ng Ate mo dahil hindi namin kaya na mawala ka. Maraming nagmamahal sayo anak. We love u!

“Magandang alaala ang iniwan mo anak lalo na sa mga Covid Victim na pinasaya mo inawitan mo. Sabi mo bumilis ang kanilang paggaling kasi nawawala ang kanilang lungkot hindi mo lang alam ang takot ni mama pero dahil gusto mo nga mag work bilang Frontliner pumayag na si mama. Sobrang saya mo ng ibalita mo sakin na kahit nakasalamuha mo sila negative result mo. Sobrang Proud ako sayo anak maraming sumasaludo sayo, para sa akin anak isa kang Bayani.”

-REGGEE BONOAN