NAGSAGAWA ang Kamara sa pangunguna ni Speaker Alan Peter Cayetano ng pagkilala sa yumaong NBA supe r s t a r Kobe Bryant sa pamamagitan ng isang exhibit sa Batasan Complex.

Ang nasabing exhibit ay binubuo ng 24 piraaso ng memorabilia, kabilang ang isang Nike rubber shoe na inihagis ni Bryant, sa mga nanonood nang siya’y bumisita sa Metro Manila, partikular sa Taguig City.

Kabilang sa mga items na naka-display ay bahagi ng personal NBA collection ng Speaker

Sinabi ni Cayetano na ipagpapatuloy ng 18th Congress ang pagtulad sa Mamba Mentality na ginawa ni Bryant, na ang ibig ipakahulugan ay laging maging pinakamabuting tao o best version ng sarili.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

-Bert de Guzman