DAHIL sa pagkakalagay ng buong National Capital Region sa Community Quarantine dahil sa novel coronavirus (COVID-19), idineklara na ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang pagkansela ng kasalukuyang format ng kanilang mga nalalabing collegiate tournaments.

Bunga ito ng mahigpit na ipinatutupad na social distancing na nagbabawal ng pagsasagawa ng mga pagtitipon kabilang na ang mga sporting events mula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020 bukod pa sa suspensiyon ng klase sa lahat ng antas.

Itutuloy na lamang ang mga nasabing collegiate tournaments kapag idineklara na muli ng gobyerno na ligtas na ang pagkakaroon ng mga mass gatherings at maaari ng magbalik eskuwela sa Abril 15, 2020.

“We will continue to coordinate with lead government agencies to determine the protocols for the safety of everyone in or connected with the UAAP community,” nakasaad sa statement na nilagdaan nina UAAP President Emmanuel Fernandez at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang mga Collegiate events na natigil ay ang women’s at men’s volleyball gayundin ang men’s football habang magsisimula pa lamang women’s football tournament, baseball, softball, athletics, lawn tennis, at 3x3 basketball.

“The UAAP intends to do the greater good for the greater number, without disregarding the hard work of its coaches and student-athletes. We thank you for your patience and understanding in this most trying of times.”

Samantala, tuluyan naman nilang kinansela ang lahat ng nalalabing High School tournaments dahil sa pagtatapos ng deklarasyon ng quarantine ay tapos na rin halos ang academic calendar para sa high school unit ng karamihan sa mga UAAP member schools at ang kanilang sporting season.

Ang mga high school events na natigil dahil sa krisis ay ang Girls’ Basketball at Beach Volleyball.

Kaugnay nito, ang Adamson University at University of Santo Tomas na dapat ay magtutuos sa winner-take-all Game Three ng Girls Basketball finals noong nakaraang Marso 6 ay idineklara ng co-champions.

-Marivic Awitan