DETROIT (AP) -- NADAGDAGAN ang NBA player na tinamaan ng sakit na COVID-29 matapos magpositibo si Christian Wood ng Detroit Pistons sa coronavirus, ayon sa source na may direktang kaalaman sa kaganapan nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Ayon sa naturang source na nakakausap ng The Associated Press, sa kahilingan ilihim ang kanyang pagkakakilanlan dahil wala pang pormal na pahayag ang Pistons management o maging ang pamilya ni Wood.
Nalaman ang resulta ng test ni Wood isang linggo matapos isapubliko na positibo si Rudy Gobert ng Utah Jazz sa naturang sakit. Si Wood ang dumepensa kay Gobert sa kabuuan ng kanilang laro bago tinanghal na unang NBA player si Gobert na nagposotibo sa sakit.
Nauna rito, nagpositibo rin si Donovan Mitchell, teammate ni Gobert sa Utah Jazz.
Wala namang pormal na pahayag kung ang sakit ay nakuha bunsod ng hawaan sa isa’t isa.
Kalaunan, inamin ng Pistons management na may player – ngunit hindi nila pinangalanang si Woods – ang psoitbo ay kasalukuyang nasa ‘self-isolation’.
“A player on the Detroit Pistons, who is under the care of team medical staff and in self-isolation s inc e Wedne sday night , was tested for COVID-19,” pahayag ng koponan. “A preliminary positive result came back on March 14. The health and safety of our players, our organization, those throughout our league, and all those potentially impacted by this situation is paramount.”
Batay sa bulletin ng World Health Organization, ang mga taong walang karamdaman nang madapuan ng COVID-19 virus ay gumagaling sa loob ng dalawang linggo, habang ang may dati nang karamdaman ay umaabot sa anim na linggo ang gamutan.
Naitala ni Wood ang season-high 30 puntos nitong March 7 laban sa Jazz, nasundan niya ito ng 32-point effort kontra Philadelphia. Tangan niya ang averaged 13.1 points at 6.3 rebounds.
“The darkest nights produce the brightest stars,” pahayag ni Wood sa kanyang Instagram kamakailan, kalakip anglarawan kung saan dinunk niya angbola sa harap ng depensa ni Gobert.