NAKABALIK na ng bansa sina Coco Martin at Angelica Panganiban nitong Huwebes ng gabi galing ng Dubai kung saan kinunan ang naiwang eksena para sa pelikulang Love or Money na entry nila sa 1st Metro Manila Summer Film Festival handog ng ABS-CBN Film Production mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Angelica at Coco

Kung nagtagal pa ang grupo sa Dubai ay malamang na hindi sila makakabalik ng bansa dahil kanselado ang lahat ng biyaheng panghipapawid at pangdagat papasok at palabas ng Pilipinas base sa pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi.

Bale ba iilan lang ang advance episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano pero kung sakaling hindi kaagad nakabalik ng bansa si direk Coco ay tiyak na may mga sasalong magdi-direk naman din.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, dahil sa COVID-19 pandemic ay kanselado rin ang pagbubukas ng MMSFF ngayong Abril 11-21.

-Reggee Bonoan